Genre: Rock
Music Style:Indie
Location: Philippines
URL: http://audiogig.com/kamiangkudos.agg
Website: www.amp.channelv.com/kamiangkudos
Email: kamiangkudos@yahoo.com
|
+++
kami ang kudos.
hindi naman talaga dapat kudos ang pangalan ng banda namin. kung ako ang papipiliin, ayoko talaga ng pangalang iyon. ngunit dahil sa isang pagkakamali, nagkagayon na ang lahat.
nalalapit na ang j.s. promenade sa aming iskwelahan ng mga panahong iyon. at kami ay napili na tumugtog ng isang ’special number (special nga ba?)’ sa j.s. prom. nang isang araw ay tinanong kami ng bading na guro sa english dept. kung ano ba ang pangalan ng banda namin (honestly, wala kaming formal na pangalan bilang banda). at sa kamalasan nga naman ng buhay, wala ako (knucklehead --umabsent dahil sawa na sa mukha ng mga guro doon) nang araw na iyon. kaya sila Don na lang ang nakipag-usap sa bakla na guro. at sa kasamaang palad, kudos ang nabanggit niya.
at doon nagmula ang aming pangalan. (malas, hindi na namin pwedeng palitan ang pangalan dahil pagkatapos ng prom, nakilala na kami ng karamihan bilang ’kudos’ ---at lahat iyon ay karapat-dapat isisi at ibunton sa aming drummer na si Don.
bow.
+++
at ngayon, nadiskubre naming may kapangalan pala kaming artist. dahil sa makulit kami, dinagdagan lang namin ng 'Kami ang' ang dati naming pangalan.
yeeha!
|
|